Pagpapahayag Ng Suliranin Sa Thesis Statement

Larawan mula sa Wikimedia Commons

Hindi na bago sa mga Pilipino ang ideya na ang kaunlaran ay nagdudulot ng pagkasira ng kapaligiran.

Ayon sa popular na kanta ng Asin, hindi masama ang pag-unlad kung hindi nakakasira ng kalikasan. Ngunit kung ikaw na ordinaryong tao ang tatanungin, gaano ba kalaki ang kontribusyon mo sa pagkasirang ito? Karaniwan na sa kanayunan ang pagsusunog ng basura sa paligid ng bahay pagkatapos silang walisin at ipunin sa isang tabi. Imbes na sunugin, ano naman ang maaari nilang gawin dito? Ibaon sa likod ng bahay para maging pataba? Paano naman ang mga basurang hindi nabubulok kaagad sa ilalim ng lupa? Saan sila itatambak? Ang suliranin sa pagtatapon ng basura ay isa lamang sa maraming usaping pangkalikasan, at ito ang totoong kaakibat ng pag-unlad ng lipunan.

Sa pag-unlad ng lipunan, dumarami ang mga produktong nalilikha ng tao: mga produktong nakakatulong sa pagpapagaan sa proseso ng pagtatanim ng palay at iba pang pinagkukunan ng pagkain; mga produktong nakakapagpadali sa pagdadala ng mga produktong agrikultural; mga produktong nakakapagpaginhawa sa pamumuhay at sa mga gawain sa loob ng tahana; mga produktong nagbibigay saya o mga produktong pang-sining; mga produktong nagluluwal ng iba pang produkto; at marami pang klase ng produkto na nalilikha sa sangkatauhan.

Kahit ang mga hayop ay nagtatapon din ng basura. Pero huwag na natin silang sisihin sa problemang hindi nila kayang lutasin. Masisisi ba natin ang mga ibon na kung saan-saan na lang binabato ang mga buto ng prutas pagkatapos itong kainin? Ang mga unggoy sa gubat na kung saan-saan lang tinatapon ang balat ng saging? Ang mga baboy ramo na kung saan-saan lang tumatae (pasensya na sa mga kumakain)?

Bumalik tayo sa mga tao. Ano nga ba ang solusyon sa suliranin sa basura? Masasagot natin ito kung maiintindihan natin kung paano umusbong ang parami nang paraming basura na nalilikha natin. Kung mga hayop ay hindi natin masasangkot sa problemang ito, mayroon ding pagtatanggi sa laki o liit ng ambag ng bawat tao sa problemang ito.

Ang ordinaryong mamamayan na nagtatapon ng balat ng kendi sa daan ay hindi hamak na mas maliit ang ambag kaysa sa may-ari ng pabrika ng kendi na napakalaki ang kinikita sa paglikha ng kendi. Kung walang kendi na nalikha sa pabrika, wala ding basura na maitatapon sa daan. Sino ngayon ang dapat singilin para malutas ang ang problemang ito? Si Mr. Candyman ba na limpak-limpak ang tubo sa pagluluto at pagbebenta ng kendi o si Juan na pagkatapos ilabas ang kendi ay itatapon lang sa labas ng jeep ang balat?

Si Lucio Tan ba na milyun-milyon ang kinikita araw-araw sa paglilikha ng sigarilyong di-maubos o si Pedro na pagkatapos ubusin ang sigarilyo ay itatapon lang upos sa kalsada? Si Henry Sy ba na maliban sa kita niya sa kanyang tindahan ay tubong-lugaw na rin sa mga plastic bag na pambalot ng binili ni Maria o si Maria na tinatapon ang bag sa kalye kapag ito ay sira na?

Ang pananagutan sa problemang basura ay nakatuon sa kung sino ang lumilikha at nakikinabang sa paglikha nito. Kahit sa basura sa hangin na nagdudulot ng pagbabago ng klima (climate change), ang may pananagutan ay ang mga mayayamang bansa na siyang may pinakamalaking volume na ibinuga at patuloy na ibinubugang greenhouse gas, hindi ang Pilipinas na mas maliit pa sa 1% ang ambag nito. Ang lumilikha at yumayaman ang may pananagutan at sila ang dapat singilin para sa pagbubuo ng mga imprastruktura para ayusin ang pagtatapon ng basura. At bago natin makalimutan, mayroong gobyerno para gawin ang lahat nang ito.

Sa madaling salita, gobyerno ang dapat maningil sa mga tagapaglikha ng basura, gobyerno ang dapat magtayo ng imprastuktura sa pag-aayos ng mga basura. Gobyerno ang dapat maglagay ng mga basurahan sa bawat kanto ng daan. Para saan pa ang napakalaking buwis na napupunta sa pork barrel na kontrolado ng Pangulo?

Kaya imbes na sisihin si Juan, Pedro, at Maria, ipaunawa natin sa kanila ang kahalagahan ng wastong pagtatapon ng basura. Ipaunawa natin sa kanila ang kahalagahan ng pagsasama-sama upang singilin ang gobyerno sa problema sa basura at gamitin nito ang pork barrel para maglagay ng mga basurahan sa bawat kanto sa lahat ng kalye sa bung bansa, para magtayo ng mga na makabagong imprastuktura para ayusin ang samu’t-saring basura na nililikha ng mga yumayaman dito.

Ipaalala natin sa kasalukuyang gobyerno na hindi lahat ng basura ay bawal itapon sa Ilog Pasig. Ang basurang gobyerno ay nararapat lamang na itapon at palanguyin dito.


(Pasasalamat: Laorence Castillo)

Ang pananaliksik[1] ay ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay ng mga panukala (teoriya) o mga pamamaraan (o sistema), at sa pagsubok sa mas mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon. Isang prosesong mapagsuri, sistematiko o maparaan, organisado o nakaayos, at walang-kinikilingan (obhetibo). Nararapat na masagot ng prosesong ito ang isang katanungan o hipotesis. Sa ganitong paraan, dapat itong nakapagpapataas o nakapagdaragdag ng kaalaman hinggil sa isang hindi nakikilalang bagay na ibig mapag-alaman pa ng mga mamamayan.

Bukod sa pagbibigay tugon sa mga katanungan, isa pang layunin ng pananaliksik ang makahanap ng solusyon sa isang problema o suliranin. Karaniwang naghahanap ang isang mananaliksik[2] ng mga kaalaman mula sa mga aklatan upang malaman kung ano ang mga napag-alaman hinggil sa isang bagay, kabilang ang mga maaaring nakalimutan nang kaalaman. Maaaring naghahanap-buhay ang isang tagapagsaliksik o tagasaliksik[2] sa isang klinika, laboratoryo, o kaya isang planetaryo. May mga mananaliksik na naghuhukay ng lupa para mapag-aralan ang mga guho ng mga sinaunang mga kabihasnan o magsagawa ng mga pag-aaral hinggil sa mga hubog ng mga bato. Maaari rin siyang maglakbay sa kalawakan para pag-aralan ang sanlibutan.[3]

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Isinilang ang gawaing pananaliksik ng magsimulang magtanong ang mga naunang mga tao sa mundo hinggil sa mga bagay-bagay at nagsimula ring maghanap ng mga kasagutan para sa mga katanungang ito. Halimbawa ng mga ito ang mga lumikha ng gulong at ang mga nagsipagtala ng mga paggalaw ng mga bituin ng kalangitan. Subalit nagsimula lamang ang tunay na makabagong gawi sa pagsasaliksik dahil kay Galileo Galilei noong mga 1500.[3]

Mga gawain[baguhin | baguhin ang batayan]

Kabilang sa mga pangunahing gawain sa pagsasaliksik ang mga sumusunod: pagsusukat o pagsusuri ng mga kaganapan o kababalaghan, paghahambing ng nakuhang mga resulta, at ang pag-unawa o pagpapaliwanag ng mga resulta ayon sa mga pangkasalukuyang kaalaman kabilang ang mga nakapagbabagong sangkap, na maaaring makaimpluwensiya sa resulta.

Mga paraan[baguhin | baguhin ang batayan]

Upang makapagsaliksik, nagpupunta ang isang mananaliksik sa mga aklatan, museo, laboratoryo nakikipanayam sa mga dalubhasa, at nangongolekta ng mga opinyon sa mga mamamayan. Sa simula, nagbabasa sila ng sangguniang mga aklat na naglalaman ng pangkalahatang kaalaman o may tiyak na mga paksa, katulad ng talahuluganan, ensiklopedya, taunang-aklat, atlas, mapa, globo, at indeks. Nagsisimula ang isang mananaliksik na alamin muna o ganap na unawain ang kaniyang napiling paksa, katanungan, o napiling suliraning ibig tugunin. Mula sa mga aklat na pangsanggunian, inaalam niya ang mga pang-alalay na mga paksang kaugnay ng pangunahing paksa.[3]

Mga uri[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga pangunahing uri[baguhin | baguhin ang batayan]

Kabilang sa mga pangunahing uri o gawi sa pananaliksik ang payak at nilapat na pananaliksik:[3]

  • Basiko o payak na pananaliksik
Tinatawag din itong puro o pundamental na pananaliksik na isinasagawa sa mga laboratoryo o klinikang pang-eksperimento.
Ito ang paglalapat ng mga kaalaman sa mga gawaing pampananaliksik, o paggamit ng mga kaalaman sa pananaliksik na magagamit para sa pagpapaunlad ng lipunan. Kabilang dito ang mga protokol (protokolo) o mga sinusunod at tinutupad na paraan sa mga pananaliksik na klinikal.

Iba pang mga uri[baguhin | baguhin ang batayan]

Kasama rin sa mga uri ng pananaliksik ang mga pang-akademya, pang-agham, pampamilihan, pang-edukasyon, pangkasaysayan, pangwika, at may pag-uugnayan ng mga disiplina:[3]

Iba ito sa pananaliksik na pangedukasyon sa ibaba sapagkat isinasagawa ito ng mga mag-aaral, hindi sila ang pinag-aaralan ng mananaliksik. Nagsasaliksik ang mga estudyante upang makapagsulat ng mga takdang-aralin, sa pamamagitan ng pagbabasa ng maraming bilang ng mga aklat hinggil sa isang paksa, at nagtatala sila sa kanilang mga talaan. Ginagamit din ang gawing ito ng mga manunulat ng mga hindi kathang-isip na mga manuskrito o akda, upang maging tama ang kanilang mga impormasyong ginagamit sa pagsusulat.
Tinatawag din itong Isang pangkaraniwang gawi sa pagsasaliksik ang makaagham na metodo. Ginagamit ang pananaliksik upang mapainam ang mga pagkaunawasa mga larangan ng biyolohiya, at iba pa. Dahil sa pang-agham na gawi ng pagsasaliksik, maaaring maisakatuparan ang pagkakatuklas ng mga bagong gamot na panglunas ng mga karamdaman, ang paglalang ng mga mas hindi-mapanganib na mga sasakyan, at kung paano makapag-aani ng mas maraming mga pagkain sa mga bukirin. Nagmumula sa mga pamahalaan, mga pribadong korporasyon, at mula sa nagbibigay-kusang mga samahan ang suportang pampananalapi sa ganitong uri ng mga pananaliksik.
Isa itong sangay sa larangan ng sikolohiya sapagkat pinag-aaralan at sinusuri sa pananaliksik na pangmerkado o pangmarket ang kung ano ang mga bagay na binibili ng mga tao at kung paano sila naglilibang pagkatapos ng kanilang mga trabaho.[3]
May kaugnayan sa pagsusuri kung paano natututo ang mga tao sa ganitong uri ng pananaliksik, partikular na sa mga paaralan.[3]
Sinusuri rito ang lahat ng uri ng mga dokumentong katulad ng mga personal na talaan, mga liham, mga batas, mga resibo, mga sertipiko ng pagpapatibay, mga pahayagan, mga magasin, mga aklat, at mga kasangkapang tulad ng mga alahas, mga aparato, at mga kagamitang pantahanan. Ginagamit ito ng mga arkeologo.[3]
Tinatawag din itong pananaliksik na lingguwistiko sapagkat pinag-aaralan ang kung paano ginagamit ng mga tao ang sinasalitang wika, ang mga tunog sa wikang sinusuri, at maging ang pag-iimbistiga ng gawi sa pamumuhay ng mga mamamayang nasa isang pook.[3]
May isinasagawa ding mga pananaliksik na nagkakaugnayan ang iba't ibang larangan ng mga kaalaman. Kasama sa pangmakadisiplinang pananaliksik ang multidisiplinaryo, interdisiplinaryo, at transdisiplinaryo. Sa antas na pang-multidisiplinaryo o maramihang mga larangan, isinasagawa ang pagsusuri mula sa iba't ibang mga anggulo, at ginagamitan ng sari-saring mga pananaw ng mga larangan, ngunit hindi nagkakaroon ng pagsasanib. Sa interdisiplinaryo o sa pagitan ng mga larangan, nililikha ang isang katauhan ng metodolohiya o pamamaraan, isang identidad ng panukala (teoriya) o konsepto (diwa), na nagdurulot ng mas pinagsanib at mauunawaang mga resulta. Samantala, mas lumalaktaw sa mga gawi ng mga naunang may-ugnayang panlarangang pananaliksik ang transdisiplinaryo o nagpapalitang (nagsasanib na) mga larangan: sapagkat nagsasanib ang mga larangan o disiplina, kabilang ang pagkakaisa ng mga epistemolohiya, partikular na ang Panukala ng mga Agham Pantao o Teoriya ng Agham Pangtao.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Kay Galileo nagsimula ang makabagong gawi sa pananaliksik.
Categories: 1

0 Replies to “Pagpapahayag Ng Suliranin Sa Thesis Statement”

Leave a comment

L'indirizzo email non verrà pubblicato. I campi obbligatori sono contrassegnati *